Calaguas-Bagasbas 2014

More new friends for this trip! Napasama ako sa outing ng MBA group nila Edmund. Haven’t heard much about Calaguas kaya hindi ko alam kung maeexcite ako o normal lang. Nang malaman ko na may camping na involved at gagamit ng tent, na-excite ako! 😀 Parang bata lang. Kasi gusto ko talaga maexperience ang camping, at Anawangin nga ang unang kinoconsider namin. Pero naisip ko mukhang mas masaya ito kasi hindi pa masyado alam ng lahat ang Calaguas unlike Anawangin.

Special Trip and Day Tour package ng Hullabaloo ang kinuha for this outing. Maayos naman sila at organized. Wala masyadong waiting time sa kanilang mga transport services. Kami pa nga ang hinihintay minsan kasi namimili pa kami ng pagkain. :p May libre pang baller na kailangan namin isuot palagi para madali kaming ma-identify at marecognize as part ng group nila. Masaya rin ang kasamang mga pagkain for lunch and dinner. 😀

Dito sa beach na ito nasagad ang aking pagka-tan. Kasi walang awat kami ni Edmund sa pagtampisaw at langoy-langoy sa dagat kahit katanghaliang tapat pagdating namin. Sobrang ganda kasi. Napakalinis at bright ng sand, seawater at surroundings in general. Dagdag pa, pwede manghiram ng lifevest, kaya less takot sa akin na lumayo from shore.

1410802_799598830051598_2654290174172935266_o

10353268_799598910051590_7838578142121763376_o

10273119_799599106718237_595136446233563507_o

10272511_799599046718243_6566356294959382636_o

Pagdating namin sa island, maraming tent na ang nakatayo. Mamimili ka nalang ng pwesto. Pwede rin naman na ikaw na ang magdala ng sarili mong tent, hanap na lang din ng pwesto kung saan mo itatayo. Preferrable na sa mga silong, kasi siyempre super oven sa loob kapag nasa arawan. Kaya lang, dahil marami nga ang may prefer na sa silong, mabilis sila maubos.

10359026_799601736717974_4363662603657552771_o

Kaya ayon, tyaga nalang sa wala masyadong silong na tent. Pero sa ganda nga kasi ng lugar, bakit ka naman tatambay sa loob ng tent sa katanghaliang tapat? :)) Umasa nalang kami na sa gabi ay magiging malamig kahit paano.

Wala talaga masyado gagawin kundi lumangoy-langoy lang, kaya sinubukan na rin namin ang kayaking lalo at wala naman additional na payment. Kailangan lang dumiskarte sa pagkuha ng kayak boat at paddle. Kasi medyo maraming gumagamit. Nakakaaliw rin pala magkayak, kapag nawili masyado, baka makarating na sa kabilang isla. Nakakapraning lang din na wala ka na maaninag sa katubigan kapag nasa malalim na parte ka na. Pakiramdam ko any moment, may tutulak na malaking sea creature sa kayak boat namin.

Ayan, hanggang dapithapon na, naglalaro pa rin kami. :))

10365628_799600090051472_4941289899627643157_o

10339264_799600040051477_6115197713531982132_o

10363475_799599456718202_7948687968599089384_o

10403948_799600476718100_3180797547681992819_o

Siyempre, hindi ako papayag na walang sunset picture. 😀

Ang challenging part pala ay ang pagligo. Kasi public CR at marami gumagamit at walang kasiguruhan pa ang supply ng tubig. :p Hindi lahat ng poso naglalabas ng tubig. Diskarte nalang para makagamit ka ng CR, at makaipon ng tubig. Pero mabuti naman at nagbibigayan ang mga tao, walang swapangan. :p

Kinagabihan, hindi pa namin makuhang makatulog agad kasi mainit talaga sa loob ng tent. Kailangan antok na antok ka na para makatulog agad at hindi na maramdaman ang init. :p

10386963_799601613384653_5650549790158499277_o

Meron din palang kaunting night life sa beach na ito. May mga inuman din, music, party people. Pero tamed nang hindi hamak kesa sa Puerto Galera. Buti nalang, kasi inaalala ko na na baka mas lalo kaming hindi makatulog dahil sa ingay.

At nang medyo nakakatulog na ang karamihan, bigla nalang may narinig kaming ingay ni Edmund mula sa labas ng tent namin. Mga naguusap na mga tao na mga nagpapanic. Based sa pagkakaintindi namin sa mga narinig namin, may isang lalaking lasing na nagbubukas ng random tents at may hinahanap na tao. Bigla namin tuloy sinecure ni Edmund ang entrance sa tent namin. :p Hindi namin alam kung ano na nangyari sa kanilang paghahanap sa lalaking ‘yun. Pero buti naman at okay lahat sa group namin. Nakakapraning lang sa simula at hindi na makabalik agad uli sa tulog dahil doon.

Kinabukasan, almusal na at preparation para sa aming pag-alis. Masaya naman ang breakfast at nabusog talaga ako.

Pagbalik namin sa daungan, sakay kami ng jeep papunta naman sa isang mala-apartelle type na tulugan na may kasamang restaurant. Nalimutan ko na ang dahilan kung bakit kami nagstay muna rito. May kinalaman sa paghihintay sa aming bus yata. HAHAHA. In any case, okay lang naman, kasi nakapagchill kami at nakaligo nang mas maayos.

Sinagot din ng tour ang lunch namin at inayos na rin ang mga kwarto, ‘yun ngalang, ang dami-daming nilagay  na mga tao sa isang kwarto. Kaya hindi siya magandang tambayan o tulugan. Storage lang ng gamit ang pwede tapos pasyal-pasyal na. Okay lang naman din sa amin ni Edmund, kasi nandun naman kami para magexplore at hindi magStaycation. :)) Habang nakatambay kami, may nagaalok ng kakanin. Nakyutan ako kaya bumili kami. Hihi.

10296269_799602940051187_4108910147969853043_o

10397051_799602773384537_2131907271576538653_o

Mahilig din kasi ako sa kakanin kaya natakam ako. May laman siyang matamis sa loob. Masarap. 😀

Naghanap kami ni edmund ng mabibilhan ng ice cream. Init kasi talaga. Mabuti merong tindahan na may tambayan. Ang saya kasi nasa silong at kami lang ang nakatambay. Sobrang peaceful habang nagoobserve lang sa paligid at nagkukwentuhan. Nang medyo makulimlim na, saka kami naglakad-lakad.

10353503_799604493384365_496912950370376465_o (1)

Marami-raming tao. Pero konti lang ang lumalangot o nagtatampisaw. Para yata siya sa surfing. Marami-rami kasi kaming nakikita na nagssurf din.

10287024_799604310051050_8868820949461457269_o

10365414_799604230051058_1000541532472837034_o

10287024_799604310051050_8868820949461457269_o (1)

Sobra kaming naaliw sa mga patterns na nasa sand. Gawa sila ng mga maliliit na crabs, gumagawa yata sila ng lungga nila sa ilalim. Tapos nilalabas nila ang mga sand. Pero hindi basta hukay, binibilog muna nilag ‘yung mga nadadampot nilang sand saka iiwan.

10259131_799603063384508_4832667050211714244_o

After makapahinga, isang mahabang byahe na naman pauwi sa magulong Manila. Salamat sa sandaling break na prinovide ng Calaguas, nakapag-beach camping na rin ako sa wakas. ^__^

One thought on “Calaguas-Bagasbas 2014

Leave a comment